Abril 6, 2009 ng umaga ng ang grupong Rizal Almighty ay lumisan mula sa paaralan ng FEU-EAC upang puntahan ang mga lugar na patungkol kay Rizal. Syempre ang aming unang destinasyon ay ang malapit sa aming paaralan, ang Unibersidad ng Santo Tomas.
Makikita sa larawang ito(itaas na litrato) ang pangunahing gusali ng UST. Bagamat hindi na ito ang orihinal na UST noong panahon ni Rizal, may isang bahagi parin ng paaralan na nagmula pa sa orihinal at ito ang "Arc of The Century"(baba-kaliwang litrato)
Makikita dito (itaas-kanang litrato) ang taon kung kailan nag-aral si Rizal sa unibersidad
Matapos naming mapuntahan ang UST, sunod na aming pinuntahan ang Fort Bonifacio kung saan ay nilakad lang namin magmula sa tapat ng Manila City Hall. Bagamat malayo ay sulit naman ang pagod.
Kitang kita sa mga litratong ito ang kalumaan (hindi ng dalawang tao sa litrato) ng pasukan patungong Fort Bonifacio kung saan si Rizal ay nakulong bago pinatay
Makikita din sa gilid ng Fort Bonifacio ang ilog Pasig. Kung inyong matatandaan, inilarawan ni Rizal ang ilog Pasig sa isa sa kanyang nobela na napakalinis at napakaganda. Sa ngayon kaya ay ano ang masasabi ni Rizal sa ilog Pasig?
Makikita din sa loob ng Fort Bonifacio ang rebulto kung saan nakakulong ilang oras bago ang kanyang kamatayan
Sa loob din ng Fort Bonifacio ay may matatagpuang museo kung saan ipinapakita ang mga likha ni Rizal
Isa sa mga lilok ni Rizal
At siyempre ang dalawang obra ni Rizal
At dyan nagtatapos ang aming paglalakbay. Salamat sa inyong pagtangkilik sa aking munting "blog"
No comments:
Post a Comment