Ang Paglalakbay.

Araw ng Kagitingan noon ng magpasyang magtungo ang aming grupo na Rizal Almighty sa mga lugar na kung saan may mga iniwang munting alaala ang ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal. Bago pa lamang naming mapagdesisyunan kung anung magandang proyekto ang iiwan namin sa kursong “RIZLIFE” pumili na kami nang mga lugar na alam naming naging bahagi noon si Rizal. Nakatutuwang isipin na sa wakas, pagkatapos ng walang katapusang aral, exam at proyekto ay magkakaroon na rin kami nang panahong makapaglibang kasabay ng pagtuklas ng ibat-ibang bagay pa tungkol sa ating bayani.

Sa kadahilanang nagkaroon ng kasunduan ang grupo na ang mahuhuli sa pagdating sa aming meeting place ay manlilibre , nachallenge talaga ako dahil kilala ako sa pagiging “late comers” sa klase. Hehe..Eh sa ayokong manlibre, kaya talagang nageffort pa akong magpagising ng alas-kwatro ng umaga para lamang umabot sa call time naming alas-otso. Subalit naisipang kong sumabay sa mga kagrupo ko pagpunta sa meeting place. Sa kasamaang-palad, nalate ulit ako  dahil sa kabagalan nila.. hehe!
IMG_0205

Nang mabuo na ang grupo ng banding alas-otso kinse ng umaga, nagdesisyon kaming tumungo na sa Unibersidad ng Santo Tomas na kung saan doon pala nagpatala si Rizal noong taong Abril 1877 sa kursong Pilosopiya at Letra. Ngunit ng makalipas daw ang isang taon nya sa pagaaral ng Pilosopiya ay nagdesisyon siyang lumipat sa kursong Medisina. Dahil sa sobra ang diskriminasyon doon at ang mga paring Dominikanong namamahala sa unibersidad ay mainit ang mata sa kanya nagtapos siya sa kurso ng di siya nakakuha ng karalangalan di tulad noong siya’y nasa Ateneo pa lamang.



Pagkatapos naming maglibot sa loob ng napakagandang Unibersidad ng Santo Tomas. Napagdesisyunan ng grupo na magtungo na sa susunod na destinasyon at ito ang FORT BONIFACIO. Hindi ito ang unang beses kong makakapunta sa lugar na ito, ngunit ngayon ko lang talaga malalaman kung ano ang kaugnayan nito sa buhay ng ating pambansang bayani na si Rizal.

Habang naglalakad kmi patungo sa lugar na iyon, nakakatuwa na ang mga bagay na makikita doon ay talaga namang makaluma na. Siguro’y pinepreserba nila ang kagandahan ng dating lugar upang mas marami pang mga Pilipino at mga dayuhan ang tumangkilik sa kagandahan ng ating sariling bansa.

Napakagandang paglalakbay ang naranasan ko sa Fort Bonifacio sapagkat doon ko nakita ang mga sentimental na bagay na may kaugnayan sa buhay ni Rizal tulad ng kanyang mga damit, ang kanyang tanyag na orihinal na librong sinulat gaya ng Noli Metangere at El Filibusterismo.


Pero isa sa pinakamagandang naranasan ko sa aming munting paglalakbay ay ang maging bahagi din ako ng mga lugar na ito sa pamamagitan ng pagkuha ng mga litrato upang ibahagi sa mga taong magbabasa ng artikulong ito. Bukod sa nalibang ako dahil sa kahiligan ko sa “Photography” magagawa ko pang tulungan kayong madagdagan at mapalawak pa ang inyong kaalaman tungkol sa ating dakilang bayani.

No comments:

Post a Comment